Mga ibang Batas sa pagbibisita sa Makkah at Masjid Haram.

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 225

添加到收藏 : 0

Bawal pumasok ang hindi Muslim sa Makkah – hangganan ng Haram – Sabi ni Allah:
إِنَّمَا الْمُشْرِكُونَ نَجَسٌ فَلَا يَقْرَبُوا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ بَعْدَ عَامِهِمْ هَذَا
Katotohanan ang mga pagano ay marurumi, kaya huwag silang lalapit sa Masjidul Haram pagkatapos ng kanilang taon na ito. 9:28
Puwede pumasok sa Makkah kahit hindi magsagawa ng Umrah at puwede rin pumasok para magsagawa ng Tawaf at magdasal rito.
Pagsagawa ng dalawang Rak'ah sa Masjidul Haram. At sa sinuman gustong magsagawa ng Tawaf ay pinapahintulutan, at magdasal pagtapos rito ng dalawang Rak'ah ay sapat na sa Tahiyatul Masjid.
Ang Salah ay pinaparami hanggang isang daang libo na Salah sa hangganan ng Haram hindi tulad sa ibang lugar. Kahit pa ito ay obligasyon na Salah o Sunnah. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa at anumang ibang pagsamba ay pinaparami rin ang gantimpala ngunit hindi nabanggit.
Hindi obligasyon ang magsagawa ng Wada o Pagpapaalam na Tawaf sa sinumang lalabas sa Makkah maliban kung siya ay nasa Hajj dahil sa kawalan ng katibayan.
 Bawal pumatay sa pangangaso, at pumutol ng punongkahoy na tumutubo na hindi tinanim ng tao, ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, at hindi prutas na kinakain o Siwak o gamot na ginagamit.