Ang Batas sa pagsagawa ng Transaksiyon sa pagrenta ng Hotel pagkatapos ng pangalawang Adhan sa araw ng Biyernes, ito ay kasali sa pinagbabawal sa Araw ng Biyernes.
Batas sa pagkuha sa mga nilalagay para sa mga bisita sa oras sila'y paaalis, meron itong dalawang kalagayan:
Kung ito ay nauubos tulad ng pampalinis at mga tsinelas na tinatapon at plastic at papel at panulat ay puwedeng kunin ito sapagkat ang ibang mga Hotel ay sinasali ito sa presyo sa renta, at ilang mga Hotel ay ginagawa itong libre.
Ang hindi nauubos tulad ng carpet at timbangan ay hindi puwedeng kunin ito sapagkat hindi ito kasali sa mga nabayaran.
Ang pagkain sa tinatawag na Bukas na Buffet ay puwede, at kung may nagsabi: Meron itong nakatagong lihim sa pagbebenta, Ang sagot: Ito ay maliit na nakatagong lihim ay hindi nakakaapekto, at meron din ito minsan sa Shari'ah.
Pagkuha ng ilang mga pagkain mula sa kainan ng Hotel at paglabas nito sa labas mula sa kainan na walang pahintulot sa namamahala, ay merong mga kalagayan:
Ang pagkuha ng tirang pagkain mula sa inihanda.
Pagkuha ng pagkain mula sa kanyang lugar para kainin sa kanyang kuwarto o sa labas ng kainan, puwede ba ang dalawang kalagayan na ito? Ang pinakamalapit ay depende sa pinagkasunduan sa namamahala at ng taong nagrenta, dahil ang mga Muslim ay tumutupad sa kanilang mga kondisyon.
Pagbayad ng tao sa Hotel bilang serbisyo sa Buffet at pinasok ang kanyang mga bisita na hindi naman sila nagbayad sa kanilang kinain o walang pahintulot ng namamahala ay hindi puwede.
Ang pagtira ng tao sa kanyang mga bisita sa kuwarto ng Hotel ay pinapahintulot sapagkat siya ang nagmamay-ari ng pakinabang habang hindi naman ito nagdadala sa kasiraan at kapahamakan. Ngunit kung nagkondisyon ang Hotel na walang dapat itira maliban sa kanya. Kabilang sa mga magandang asal ay tumupad rito, at labas sa salungatan ng mga Dalubhasa.
Pakinabang ng bisita ng tao mula sa mga serbisyo ng Hotel ay puwede dahil ito ay nabayaran na ng taong nagrenta, Ngunit maliban rito na nauubos ay hindi puwede maliban kung merong pahintulot.
Paggamit ng discount card ng Hotel kapag libre ay puwede at kung merong bayarin ay hindi puwede dahil meron itong nakatagong lihim at panluluko.
Ang paghalo sa pagitan ng lalaki at babae sa elevator na wala siyang kasama ay hindi puwede sapagkat ito ay bawal at mawawala ang pag-iisa kung merong kasama ang babae, o kaya merong pumasok na lalaki, at merong kasama ang babae o kaya sa elevator merong maraming babae.
Pagpasok ng tagalinis sa kuwarto para maglinis at iba pa kung merong kasamang babae o kaya isang tagalinis na babae ay hindi pinapahintulot dahil ito ay bawal.
Pagkuha sa loob ng refrigerator sa loob ng mga kuwarto ng Hotel, at sa mga inilagay sa lugar na binibigyan ng presyo ng Hotel, dahil sa murang halaga ay hindi puwede ito kunin sapagkat ang bentahan rito ay pera at hindi pagkuha.
Pagbibigay sa mga nagtatrabaho sa mga Hotel ng pera at merong mga kalagayan:
Kung ang kanyang layunin rito ay maging maganda ang kanilang pagtrato tulad sa pagbigay ng karagdagang tubig o pampalinis at iba pa na sobra para sa mga kustomer, ito ay suhol kaya bawal.
Kung ang kanyang layunin ay kagandahang loob at kawanggawa at lalo na kung siya ay paalis na, ito ay puwede.
Kung ang namumuno sa Hotel ay nagpapalabas ng mga ipinagbabawal tulad ng mga alak at iba pa sa kuwarto ng bisita ay kailangan itong ipalabas, sapagkat ito ay pag-alis ng kasalanan at paglayo at pagtanggal, at kung ito ay libre sa hotel ay kailangang layuan sa kondisyon na huwag gumawa ng iskandalo sa Hotel.
Hindi puwede sa nagrerenta sa Hotel na pumunta sa mga ipinagbabawal na lugar sa Hotel tulad ng Bar at iba pang bawal.
Kailangan sa nagrerenta na sumunod sa patakaran ng Hotel, basta hindi ito salungat sa Islam at Paniniwala nito.
Kailangan sa nagrerenta na balitaan ang Hotel tungkol sa kanyang sarili o ang nasa ilalim ng kanyang pananagutan tulad sa kanyang pamilya.
Kailangang ibigay ang susi ng Kuwarto sa Hotel sa oras siya ay paalis, sapagkat ito ay merong halaga, at magagamit pa ng iba, kahit magkaiba pa ang mga Hotel rito pero ang dapat niyang ibigay, at ang sinumang nakalimot ay tumawag sa Hotel o kaya ipaabot sa kanila.
Kailangan sa nagrerenta na balitaan ang Hotel sa oras ng pag-alis kahit natapos na ang kanyang renta upang malayo sa ilang mga kapahamakan, at pagtupad sa pakinabang sa bawat-isa, at paglabas sa salungatan ng mga Dalubhasa..
Ang pagbaba ng presyo ay merong dalawang kalagayan:
Una: Kung ang grupo ay merong kinalaman o kasali sa Hotel ay bawal ito sapagkat ito ay suhol at dahilan ng pang-aapi sa May-ari, at meron din ibang pinsala sa Hotel.
Pangalawa: Kung ang grupo ay walang kinalaman sa Hotel o kasali rito ay puwede, sapagkat ito ay Halal na Transaksiyon.