May Tatlong Kalagayan ang Babaeng May Istihadah

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 298

添加到收藏 : 0

1. Na noong bago pa man siya magkaroon ng Istihadah ay mayroon na siyang pangkaraniwang takdang panahon, halimbawa'y anim na araw na pagreregla buwan-buwan. sa ganitong sitwasyon, ang pangkaraniwan na takdang panahon niya noong wala pa ang Istihadah ang siya niyang pagbabatayan at saklaw siya ng mga alituntunin sa pagreregla at ang sobrang pagdurugo mula sa pangkaraniwang takdang panahon niya noon ay Istihadah na saklaw naman ng mga alituntunin para sa babaeng may Istihadah. Halimbawa'y may isang babae na noon ay nireregla sa loob ng 6 na araw tuwing magsisimula ang bawat buwan ngunit biglang nagsimula siyang magkaroon ng tuloy-tuloy na pagdurugo. Kapag nagkagayon, ituturing na ang kanyang pagreregla ay anim na araw lamang tuwing umpisa ng buwan at ang sosobra pa roon ay Istihadah na. Pagkatapos ng anim na araw ay maliligo na siya at saka magsagawa ng Salah at hindi na niya bibigyang pansin ang lumalabas na dugo.
2. Na noon pa mang simula nang una niyang makitang lumabas ang dugo ay tuloy-tuloy na ang pagdurugo anupa't hindi malaman ang pinagkaiba ng regla sa Istihadah. sa ganitong sitwasyon, kikilalanin niya ng maigi ang regla sa Istihadah. Ang dugo ng regla ay nakikilala sa kaitiman ng kulay o sa kalaputan o sa pagkakaroon ng amoy. Kapag mayroong kahit isa man lamang sa tatlong katangiang ito, ang dugong lumalabas ay ituturing na regla at hindi Istihadah. Kaya ang babae sa sandaling ito ay magiging saklaw na ng mga alituntunin ng babaeng may regla at ang dugo naman na hindi nagtataglay ng kahit isa man lamang sa tatlong nabanggit na katangian ay Istihadah na saklaw naman ng mga alituntunin ng Istihadah. Halimbawa'y may isang babae na simula nang siya ay unang nilabasan ng dugo, hindi na huminto ang pgdurugo subalit (A) sa loob ng 10 araw (halimbawa)ay nakita niyang ang dugo ay kulay itim at kulay pula naman sa mga nalalabi pang mga araw ng buwan o; (B) sa loob ng 10 araw ay nakita niyang ang dugo ay malapot at malabnaw naman sa mga nalalabi pang mga araw ng buwan o; (K) sa loob nang 10 araw, ang dugo ay may amoy at wala namang amoy sa nalalabi pang mga araw ng buwan. Sa ganitong sitwasyon ang regla niya ay sa (A) ay ang 10 araw na kulay itim ang dugo; ang regla niya sa (B) ay ang 10 araw na malapot ang dugo; ang regla niya sa (K) ay ang 10 araw na ang dugo ay may amoy. Ang labas sa tatlong nabanggit na katangiang ito ay Istihadah.
3. Na wala siyang karaniwang takdang panahon ng regla at wala ring magandang paraan para makilala ang regla sa Istihadah sapagkat tuloy-tuloy na ang Istihadah simula ng una niyang makita ang dugo, at ang dugo ay may isang katangian lamang (hindi nagbabago ang kulay o amoy o lapot nito) o may katangiang nakalilito na hindi maaaring maging katangian ng regla. Sa ganitong sitwasyon, ang gagamitin niyang batayan para sa kanyang takdang panahon ay ang takdang panahon ng nakararaming babae, kaya ang magiging takdang panahon niya ay 6 o 7 araw sa bawa’t buwan simula noong araw ng buwan na una niyang makita ang dugo. Ang dugo na lalabas pagkatapos ng takdang panahon ay Istihadah.