Ang Mga Alituntunin Sa Istihadah

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 1

添加到收藏 : 0

Ang mga alituntunin na sumasaklaw sa babaeng may Istihadah ay katulad ng sa walang regla. Ang pakikipagtalik, halimbawa ay ipinahihintulot kahit na may dugo pang nakikita. Kaya walang ipinagkaiba ang mga babaeng may Istihadah at mga babaeng walang regla maliban sa mga sumusunod.
1. Ang babaeng may Istihadah ay kailangang magsagawa ng Wudu' sa bawa’t Salah,
2. Ang babaeng may Istihadah bago magsagawa ng Wudu' ay kailangan hugasan muna ang bakas ng dugo sa kanyang damit o katawan at maglalagay siya ng bulak (o anumang kauri nito sa nilalabasan ng dugo) upang mapigil ang dugo.