Ang Nifas at ang mga Alituntunin Nito

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 1

添加到收藏 : 0

Ang Nifas ay ang dugong inilalabas ng matris bunga ng panganganak na maaaring lumabas habang nanganganak o matapos manganak o kapag malapit nang manganak (2 o 3 araw bago manganak) na may kasamang pananakit ng tiyan (labor). Ang babae ay magiging Tahir (ibig sabihin ay maaari nang makipagtalik at magsagawa ng lahat ng mga gawaing panrelihiyon) kapag huminto ang kayang pagdurugo. Kapag sumobra pa sa 40 araw ang kanyang pagdurugo, maliligo na siya pagkatapos ng ika – 40 araw kahit na patuloy pa rin ang pagdurugo sapagkat 40 araw lamang ang pinakamahabang panahon ng Nifas. Maliban na lamang kung ang sumobra sa 40 araw na pagdurugo ay regla, kapag nagkagayon, maghihintay siya hanggang sa matapos ang regla at saka siya maligo.
Maibibilang lamang na Nifas ang pagdurugo kung ang iniluwal ng isang babae ay may anyong tao na. Kaya kung sakaling nakunan siya at nagluwal ng maliit na fetus na walang malinaw na anyong tao, ang pagdurugo na maaaring mangyari pagkatapos na makunan ay hindi dugo ng Nifas kundi dugong galing sa ugat. Kung magkagayon, ituturing niyang siya ay may Istihadah. Ang pinakamaikling panahon upang magkaroon ng malinaw na anyong tao ang Fetus ay 80 araw simula nang magdalang-tao at ang pinakamahabang panahon naman ay 90 araw.
Ang mga alituntunin na napapaloob sa Nifas ay katulad ng mga alituntunin na napapaloob sa regla na nabanggit na.