6- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), ang isa sa tinaguriang Ummul Mu’mineen (ina ng mga mananampalataya) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: "Katotohanang naaabot ng isang sumasampalataya sa pamamagitan ng kagandahan ng kanyang pag-uugali ang antas ng isang nag-aayunong mapagtaguyod". Abu Daud [Hadith Bilang: (4798)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang mabuting asal ay may matibay na ugnayan sa Pananampalataya; kapag naging mabuti ang pananampalataya sa puso ng tao ay nagiging mabuti ang kanyang ugali at asal, at kapag naging masama ang pananampalataya sa puso ng tao ay nagiging masama rin ang kanyang ugali at asal, sapagka’t ang kaugnayan ng pananampalataya at ugali ay sukdulang matibay.
2. Naghihikayat ang Hadith na ito na panghawakan ang mabubuting asal.
3. Ang mabuting pag-uugali ay isa sa mga paraan ng pagpapalapit sa Allah na may kasamang pananampalataya at mabubuting gawain.