DU‘A PAGKATAPOS KUMAIN AT UMINOM

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 42

添加到收藏 : 0

9- Si Abu Ayyub Al-Ansari (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Nakaugalian ng Sugo ng Allah () na kapag siya ay kumakain o umiinom ay kanyang sinasabi: "Alhamdu lillaahil ladhee at`ama wa saqa, wa sawwagahu wa ja`ala lahu makh-rajan (ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah na nagtutustos ng pagkain at inumin at nagpadali sa pagpasok nito sa lalamunan, at na gumawa nito ng malalabasan".
Abu Daud [Hadith Bilang: (3851)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Ayyub Al-Ansarie, Khalid ibn Zaid ibn Kulaib Al-Khazrajie An-Najjaarie, isang dakilang Sahabi mula sa angkan ng Ansar, siya ay kasama sa ikalawang pagpupulong para sa Pagpangako ng Katapatan, sa labanan sa Bad’r, sa Uhud, at sa lahat ng labanan kasama ang Sugo ng Allah (), siya ay matiyaga at gustong-gustong makibaka sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah (Jihad), siya ang pinili ng Sugo ng Allah () na kanyang matutuluyan sa kanyang paglikas nang dumating siya sa Madinah, at nanirahan siya rito hanggang sa maitayo ang kanyang Masjid at tahanan.
Siya ay nakapag-ulat ng (155) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Binawian ng buhay si Abu Ayyub Al-Ansarie sa kasagsagan ng labanan sa Constantinople sa pamumuno ni Yazid ibn Mu`awiyah taong ika-(52) sa Hijri, datapuwa’t may nagsasabing kasalungat nito, at si Yazid din ang nakapagsagawa ng Salah sa kanya, at siya ay nailibing sa labas ng kuta ng Constantinople.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Katotohanan, ang mga mabubuting panustos ay kabilang sa mga biyaya ng Allah, kaya dapat sa isang Muslim na purihin ang Allah dahil sa mga biyayang ito.
2. Ang pagkilala sa mga biyaya ng Allah at ang pagmumuni-muni dito ay kabilang sa mga napakahalagang pagsamba sa Allah.
3. Nararapat sa isang Muslim na makilala niya ang lumikha sa kanya at ang nagbibigay sa kanya ng kabuhayan.