ANG ISLAM AY NAGBABABALA SA MGA KAHALAYAN

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 508

添加到收藏 : 0

21- Si Abdullah ibn Mas`uod (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Walang sinumang maaaring makahihigit pa sa Allah sa pagkahumaling sa pagpupuri, kung kaya’t pinuri Niya ang Kanyang Sarili, at walang sinumang maaaring makahihigit pa sa Allah sa pagseselos, kaya dahil dito ay ipinagbawal Niya ang mga mahalay". Muslim [Hadith Bilang: 32 – (2760)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (5220)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(3):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Katotohanang nagugustuhan ng Allah ang magandang pagpupuri at pasasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod, pagsamba at paggunita, kaya kanais-nais sa isang Muslim na dalasan ito dahil sa idinudulot nitong malakas na ugnayan ng pagsamba sa Kanyang Panginoon.
2. Kapag pinuri ng isang Muslim ang Allah ay tunay na ginagantimpalaan siya ng Allah dito at ang Allah ay sagana at walang pangangailangan sa lahat ng nilikha; datapuwa't walang naidudulot na kabutihan sa Kanya ang pagpuri at hindi rin nakasasama sa Kanya kapag ito’y talikuran.
3. Katotohanan, ang Allah ay naninibugho at wala ng hihigit pa sa Kanya dito, datapuwa’t ang ibig sabihin ng Kanyang paninibugho ay ayaw Niyang datalan ng masama at pinsala ang sinumang tao, o ang kanyang pananampalataya, sarili, dangal o pag-iisip at dahil dito ipinagbawal ang pangangalunya, pagnanakaw, pangangamkam, patubuan, pag-inom ng alak at iba pang mga maruruming gawain at kabuktutan.
4. Kapag ang papuri ay para sa mga mabubuting tao na may malinis na layunin; ito ay itinuturing na mabuting bagay at mabuting gawain bilang pagkilala sa kabutihan at sa mga mabubuting tao.
5. kapag ang pagpuri ay walang katotohanan, bagkus ginawa lamang ito bilang pagkukunwari o sa taong pinangangambahang tataas ang tingin sa sarili kapag purihin; magkagayun hindi kailanman maaring siya'y purihin, sapagka't nakakapinsala siya sa komunidad at nag-aangat ng sinumang walang anumang kahigtan o katayuan, kaya't dito naaangkop ang sinabi ng Sugo (r): "Kapag nakita ninyo ang mga taong mahilig pumuri; batuhin ninyo ang kanilang mga mukha ng lupa". Muslim [Hadith bilang: 69 – (3002)].
At sa sinumang hindi pinangangambahan ng ganito dahil sa kanyang ganap na takot sa Allah at ganap na pag-iisip at kaalaman; magkagayun hindi masamang siya ay papurihan kung walang halong pagkukunwari.