DAPAT IPATIRAPA ANG PITONG BAHAGI NG KATAWAN

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 589

添加到收藏 : 0

43- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Propeta () ay nagsabi: "Ako’y napag-utusan na magpatirapa sa pitong buto (o bahagi ng katawan), ang nuo at itinuro ng kamay niya ang kanyang ilong, ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod at ang mga daliri ng dalawang paa, at na huwag pigilin ang damit at ang buhok". Al-Bukhari [Hadith Bilang: (812)] Muslim [Hadith Bilang: 230 – (490)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(41):




Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagiging ubligado ng pagpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan: Ang nuo at ilong, ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod at dalawang paa.
2. Kapag iniangat ng isang tao ang isa sa kanyang mga paa mula sa lupa habang nagpapatirapa (sa pagdarasal); magkagayun hindi ganap at hindi katanggap-tanggap ang kanyang Salah, at gayundin kapag nilabag niya ang pamamaraan ng paglagay alinman sa mga bahaging ito sa pagpapatirapa; hindi tumpak ang kanyang pagdarasal.
3. Ang pagpapatirapa sa pitong bahagi na ito ay ubligado sa mga kalalakihan at kababaihan, kaya dapat silang magpatirapa sa pitong bahagi na ito nang walang kapabayaan; datapuwa’t ang nuo at ang ilong ay iisang bahagi lamang.