ANG MGA BATAYAN NG ISLAM AY PANLABAS AT PANLOOB

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 683

添加到收藏 : 0

47- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Isang araw, nakalantad ang Propeta () sa mga tao; at biglang dumating sa kanya si Jibreel (Sumakanya nawa ang kapayapaan) at siya ay nagtanong: Ano ang Eeman? Siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Ang Eeman ay ang paniniwala mo sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa pakikipagtagpo sa Kanya, sa Kanyang mga Sugo, at ang paniniwala mo sa Pagbabangong Muli”. Siya ay nagtanong muli: Ano naman ang Islam? Siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Ang Islam ay ang pagsamba mo sa Allah at huwag magtambal sa Kanya, ang pagsasagawa mo ng Salah (pagdarasal), ang pagbibigay mo ng katungkulang kawanggawa, ang pag-aayuno mo sa buwan ng Ramadan”. Siya ay muling nagtanong: Ano naman ang Ihsan? Siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Ang iyong pagsamba sa Allah na para mo Siyang nakikita, at kung hindi mo Siya nakikita; katotohanang nakikita ka Niya”. Muli na namang nagtanong siya: Kailan ang Oras (ng paggunaw sa mundo)? Siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Ang tinatanong tungkol dito ay higit na hindi nakakaalam kaysa sa nagtatanong nito, datapuwa’t ipabatid ko sa iyo ang mga palatandaan nito: Kapag naipapanganak na ng isang alipin ang kanyang amo, at kapag nagpapaligsahan na sa matataas na gusali ang mga tagapag-alaga ng maiitim na kamelyo, sa lima na walang nakababatid nito maliban sa Allah, at pagkatapos ay binasa ng Propeta () ang: {Katotohanan, nasa Allah ang kabatiran tungkol sa Oras}. Luqman (31:34), pagkatapos ay tumalikod na siya, kaya siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Pabalikin ninyo siya”; subali’t wala na silang nakita na kahit anong bakas nito; siya (ang Propeta) ay muling nagsabi: “Siya si Jibreel, siya’y pumarito upang turuan ang mga tao sa kanilang relihiyon”. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (50)] Muslim [Hadith Bilang: 1 – (9)]
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang dakilang Hadith na ito ay naglalaman ng mga panlabas at panloob na saligan ng Islam.
2. Itinuturo ng Hadith na ito na ang Islam ay saklaw ang gawa at paniniwala na magkasama; hindi katanggap-tanggap ang gawa na walang kasamang paniniwala at gayundin naman ang paniniwala na walang kasamang gawa sapagka't ang mga ito ang siyang bumubuo ng Relihiyon ng Allah, ang Islam, kaya ang Islam ay saklaw ang lahat ng uri ng pagsamba dahil ito ang bunga ng paniniwala na siyang saligan ng pananampalataya sa puso.
3. Binibigyang linaw ng Hadith na ito na ang Paniniwala (Pananampalataya) ay binubuo ng salita, gawa at layunin; salita sa pamamagitan ng dila, gawa sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan at paniniwala sa pamamagitan ng puso.