KAINAMAN NG PAGKAIN NG DATILES SA SUHUR

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 2

添加到收藏 : 0


53- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: “Ang pinakamainam na Suhur (pagkain sa madaling araw) ng isang mananampalataya ay ang Tam’r (datiles)”. Abu Daud [Hadith Bilang: (2345)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):






Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kaaya-aya na ang maging Suhur (pagkain sa madaling araw) ay datiles, ito ay isang kaugalian (ng Propeta ) na nakakaligtaan ng maraming tao at inaakala nila na ang datiles ay kaaya-aya lamang sa Iftar (pagkain sa paglubog ng araw).
2. Ang datiles ay sagradong bunga at ang pagkain nito sa oras na yaon ay patung-patong na biyaya.
3. Katotohanan, ang pagkain sa Suhur ay nakatutulong sa pagtaguyod ng mga obligasyon at pagsamba; nararapat sa isang Muslim na panatilihin itong isinasagawa, at ang pagkain sa Suhur ay nakakamit ito sa pamamagitan ng marami at kaunting pagkain tulad ng pagkain ng datiles at gayundin kahit isang lagok lamang ng tubig, subali’t ang pagkain ng datiles sa Suhur ay mas mainam.