ANG KABUTIHAN NG PAGSABI NG: AMEEN

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 1

添加到收藏 : 0


54- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Kapag sinabi ng isa sa inyo (sa Salah): Ameen, at ang mga Anghel sa kalangitan ay nagsabi rin ng: Ameen; samakatwid sila’y nagkasabay sa isa’t isa, sa kanya’y patatawarin ang mga nauna niyang kasalanan”. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (781)] Muslim [Hadith Bilang: 72 – (410)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang kahulugan ng Ameen ay: “O Allah tanggapin Mo ang anumang panalangin na napapaloob sa Surah Al-Fatihah”.
2. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagiging kaaya-aya ng pagsabi ng Ameen ng mga nagdarasal, sa panig ng Imam (namumuno ng Salah), sa sumusunod at sa mag-isang nagdarasal.
3. Hinihiling ng Hadith na ito ang paniniwala sa pagkakaroon ng mga Anghel.