55- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang (tunay na) Muslim ay yaong ligtas sa kanya ang mga tao sa kanyang dila at kamay, samantalang ang Mu’min ay yaong nasa katiwasayan ang dugo at mga kayamanan ng mga tao sa kanya”. An-Nasai [Hadith Bilang: (4995)] Muslim [Hadith Bilang: 65 – (41)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nag-aanyaya ang Hadith na ito sa isang Muslim tungo sa pagtaguyod ng pangangalaga sa mga ipinagkatiwala at maging mapagkatiwalaan sa mga transaksyon at malayo sa pandaraya sa mga tao sa kanilang dugo at kayamanan.
2. Ang tunay na Muslim ay yaong sumusuko sa Allah at itinataguyod ang mga karapatan ng mga tao; samakatwid hindi niya sila pinipinsala at dinadaya, kaya’t ligtas sila mula sa kasamaan ng kanyang ugali.
3. Katotohanan, inilalarawan ng Hadith na ito ang isang Muslim sa panlabas nitong anyo; ang pagiging ligtas ng mga tao mula sa kanya, samantalang ang isang mananampalataya naman ay sa panloob nitong anyo sa pagkapanatag nila sa kanya sa kanilang dugo at kayamanan.