ANG PANGANGAILANGAN NG PAGSISISI

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 305

添加到收藏 : 0

80- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “O Sangkatauhan! Magbalik loob kayo sa Allah; sapagka’t katotohanang ako ay nagbabalik-loob sa Kanya ng isang daang beses sa isang araw”. Muslim [Hadith Bilang: 42 – (2702)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(22):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang pagsisisi ang siyang pinakamahalaga sa mga panuntunan ng Islam, at ito rin ang pinakamainam sa lahat ng Ibadah (gawang pagsamba) na naiibigan ng Allah, at dahil dito ang agad-agad na pagsisisi ay ipinag-uutos sa isang Muslim sa lahat ng pagkakasala.
2. Ang pagsisisi ay nagpapawalang sala sa mga kasalanan, at nagpapadalisay ng mga puso, at pinapalitan ang mga masasama ng mga mabubuti, at nagpapamana sa pagmamahal ng Allah, at nagtataboy ng kasamaan tungo sa kaligayahan.
3. Dapat sa isang Muslim ay hindi nawawalan ng pag-asa sa habag ng Allah, mananatili siyang may mabuting pagtingin at pag-unawa sa Allah; sapagka’t ang tinatanggap ng Allah na pagsisisi ng tao ay yaong nagsisisi nang wagas.
4. Ipinag-uutos ng Hadith na ito ang pagbabalik-loob sa Allah, gaano man kalaki ang naging mga pagkakasala nito at pagsuway. Datapuwa’t hindi matatanggap ito sa Allah maliban kung maisaalang-alang ang mga sumusunod na kahilingan:
1- Dapat na ang pagsisisi ay maging wagas sa Allah, at huwag maghangad ng anuman sa mundo o pagpupuri ng tao.
2- Ang pagkalas sa kasalanan.
3- Ang paghihinayang sa paggawa nito.
4- Ang matibay na pagpapasiya na huwag ng balikan ito.
5- Ang pagsauli sa mga karapatan ng may ari nito, kung ang pagkakasala ay nasa mga karapatan ng ibang tao.
6- Na ito’y bago ang pagsikat ng araw mula sa kanluran, at bago lumantad ang tanda ng kamatayan.