59- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: “Kapag ang isa sa inyo ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan sa isang pagpupulong, at pagkaraan ay bumalik siya rito, sa gayon siya pa rin ang higit na may karaparatan dito”. Ibnu Majah [Hadith Bilang: (3717)] Muslim [Hadith Bilang: 31 – (2179)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Dapat isaalang-alang ng isang Muslim ang mga magagandang asal sa pagpupulong, kaya’t hindi siya maaaring gagawa ng isang bagay na makasasakit sa iba.
2. Kabilang sa mga magagandang asal sa pagpupulong ay kapag tumayo ang isang nakaupo dito dahil sa pangangailangan nito o may ginawa siya tulad ng pagsasagawa ng Wudu’ at siya’y umalis at pagkatapos ay bumalik siya rito, sa gayon siya pa rin ang higit na may karapatan sa kanyang inupuan kaysa sa iba.