HAJJ – PILGRIMAHE

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 174

添加到收藏 : 0

Sampung taon makalipas ang Hijrah, nagsagawa ng Hajj si Propeta Muhammad kasama ang halos isang-daang libong (100,000) Muslim.  Katunayan, siya ay nagsagawa ng Hajj ng isang beses lamang sa kanyang buong buhay.  Sa Bundok ng Arafat, doon niya ipinahayag ang kanyang pamamaalam na sermon, at kanyang sinabi:

O sangkatauhan! Pakinggang mabuti ang aking sasabihin, sa dahilang hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli sa ganitong pagtitipon sa darating na panahon. O sangkatauhan!, Ang inyong buhay at ari-arian ay dalisay hanggang sa inyong pagharap sa inyong Rabb (Panginoon).  Ang pagiging panatag ng inyong buhay  at mga ari-arian ay dalisay katulad ng araw at buwang ito.  Alalahanin, katotohanang inyong makahaharap ang inyong Rabb (Panginoon) at Siya ang huhusga sa lahat ng inyong ginawa.  Kaya, pinaaalalahanan ko kayo. Kung sino man sa inyo ang pinagkatiwalaan ng isang bagay, nararapat lamang na kanyang ibalik ito nang ganap sa nagmamay-ari.

O sangkatauhan!. Katotohanang may karapatan kayo sa inyong mga asawa at ganoon din sila sa inyo. Pakitunguhan sila nang may lubos na kabaitan at pagmamahal sapagka’t ipinagkatiwala sila sa inyo.  Laging maging tapat sa mga ipinagkatiwala sa inyo at huwag gumawa ng kasalanan.

O sangkatauhan! Pakinggan ninyo akong mabuti. Sumamba lamang sa Allah, mag-alay ng Salaah (pagdarasal), mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan, magbigay ng itinakdang kawanggawa at maglakbay sa Makkah (Hajj).  Alalahanin, pantay-pantay at magkakapatid kayo sa isa’t isa. Walang sinumang hihigit sa isa maliban lamang yaong may takot sa Allah at gumagawa ng kabutihan.  Iwasan ang paggawa ng hindi makatarungan.

O sangkatauhan! wala ng iba pang Propetang darating sa aking paglisan at wala ng ipadadalang bagong pananampalataya. Unawain ang aking mga sinasabi.  Mag-iiwan ako sa inyo ng dalawang bagay – ang Qur’an at ang aking Sunnah. Sundin ang mga ito nang matapat at natitiyak kong hindi kayo maliligaw ng landas. Mag-ingat kay Satanas at pangalagaang mabuti ang inyong pananampalataya

Ipamahagi ang aking mga sinabi at sana’y kanilang pakinggan at maunawaan ito. Gayundin, sana'y kanilang ibahagi ito sa iba. Ikaw ang aking saksi, O Allah, na ipinahayag ko ang Iyong mensahe.